Noong bata pa ako lagi akong pinagagalitan ng aking ina dahil laro lang ako ng laro sa labas ng aming bahay, sabi niya mag-aral daw ako para magkaroon ako nang magandang kinabukasan balang araw. Noon, hindi ako naniniwala sa mga ganiyan. Tingin 'ko ay pulos kalokohan lang ang mga iyan at kapag nagsawa na sa kasesermon ang aking ina, ang aking lola naman. Marahil dala na rin ng kalikutan tuwing ako ay nasa bahay kaya pinipili ko na lamang lumabas para wala silang masabi.
Upang mabigyan ako ng magandang kinabukasan, kinailangang mangibang bansa ng aking mga magulang kaya simula pagkabata ang aking lola na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Espesyal sa akin ang aking lola. Siya ang nagsilbing ina sa akin habang ako ay lumalaki. Kaya naman lubos na ikinadurog ng aking puso ng aking malaman pagkarating 'ko buhat sa eskwelahan ang isang nakapanlulumong balita. Namatay ang aking lola dahil sa sakit. Hindi na kinaya ng kanyang pagal na katawan ang kung ano-anong gamot na itinuturok sa kaniyang mga ugat. Matagal bago 'ko tuluyang natanggap na wala na siya... wala na talaga siya.
B. Happy Experience
Parte na ng kamusmusan ang paglalaro kung kaya nang magkaroon ako ng bagong laruan na ang tawag ay baril-barilan napakasaya ko! Bigay ito ng aking mga kamag-anak na tuwang-tuwa sa aking pagka bibo. Sa tuwing magkakaroon ako ng bagong laruan napakasaya! Kakaibang galak ang dulot nito sa aking katauhan. Hindi lumilipas ang araw na hindi ako nakapaglaro lalo na tuwing bakasyon. Kay sarap balikan ng aking kabataan paano ay walang problema... napakagaan ng buhay sapagkat ikaw ay naglalaro pa lamang.
No comments:
Post a Comment