Noong ako ay bata pa madalas ‘kong marinig ang mga kasabihan tulad ng: huwag daw magsasaing ng walang tubig; may sabi-sabi rin na pag na bungal ka ‘yung mga ngipin mo ay ilagay mo sa bubong para raw yumaman ka; kapag nahulog naman ang kutsara habang ikaw ay kumakain, ikaw ay magkakaroon ng bisitang babae; kapag tinidor ang nahulog, lalaki naman ang bisita; samantalang kung kutsarita, isang bata ang bibisita sa iyo; ang babaeng palipat-lipat ng upuan habang kumakain ay magkakaroon ng maraming manliligaw. Ito ang ilan sa mga kasabihang matanda na minsan ko ring pinaniwalaan noong ako ay bata pa dahil ang pagkaunawa ko nuon na ang lahat ng mga sinasabi nila ay totoo at tanda na rin nang pag respeto ko sa kanila. Nagbago na lamang ito ng mag-aral ako ng siyensa. Nalaman ko na ito pala ay superstitions, paniniwala o kasabihang matanda lamang at walang sapat na ebidensiyang pang agham at siyensa.
Thursday, March 24, 2011
C.FALSE BELIEF
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment