Thursday, March 24, 2011

I.PERSONAL INFO



Kung meron mang tao sa mundo na hindi mo kakikitaan ng bakas ng kaartehan sa katawan ako na 'yon; Patrick Lesaguis. Saktong 4:45 nang umaga ako ay isinilang noong June 2, 1989 sa Quezon City General Hospital. Gaya nga nang nabanggit ko kanina hindi ako maarte sa pagkain, lahat basta masarap kinakain ko huwag lang hipon dahil mamantal ang buo 'kong katawan kapag nakakain ako ng nabanggit.

Pagdating naman sa pelikula para sa akin, interesanteng ang maaksiyon at medyo brutal na mga egsena. Paano naman ang pelikulang tungkol sa pag-ibig? Sa totoo lang hindi 'ko tipo ang mga ganoong uri ng pelikula dahil kadalasan inaantok lang sa daloy ng istorya, pero may mangilan-ngilan rin namang magaganda. Madalas 'kong pakingan ang mga rock, alternative and indie na genre ng musika. Kung wala ako sa eskwelahan makikita mo ako sa bahay nagalalaro ng mga online games. Eskwela-bahay-laro lang ang kadalasan 'kong ginagawa. Mas ok na ang mag-laro na lang ako kaysa sumama sa masamang barkada at malulong sa bisyo

Ako ang panganay na anak ni Wilfredo Dulay Lesaguis na nag tatrabaho bilang isang Lineman at ni Evangeline De Guzman Lesaguis na isang simpleng may bahay. Sumunod sa akin si Rica Jane labing tatlong taong gulang na nakatakdang magtapos ng Elementarya sa Abril at ang bunso sa amin na si Iera Julyiana Glenz, 7, at nasa ikalawang baitang ng elementerya.


II.EARLY CHILDHOOD EXPERIENCE

A. Sad Experience

Noong bata pa ako lagi akong pinagagalitan ng aking ina dahil laro lang ako ng laro sa labas ng aming bahay, sabi niya mag-aral daw ako para magkaroon ako nang magandang kinabukasan balang araw. Noon, hindi ako naniniwala sa mga ganiyan. Tingin 'ko ay pulos kalokohan lang ang mga iyan at kapag nagsawa na sa kasesermon ang aking ina, ang aking lola naman. Marahil dala na rin ng kalikutan tuwing ako ay nasa bahay kaya pinipili ko na lamang lumabas para wala silang masabi.

Upang mabigyan ako ng magandang kinabukasan, kinailangang mangibang bansa ng aking mga magulang kaya simula pagkabata ang aking lola na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Espesyal sa akin ang aking lola. Siya ang nagsilbing ina sa akin habang ako ay lumalaki. Kaya naman lubos na ikinadurog ng aking puso ng aking malaman pagkarating 'ko buhat sa eskwelahan ang isang nakapanlulumong balita. Namatay ang aking lola dahil sa sakit. Hindi na kinaya ng kanyang pagal na katawan ang kung ano-anong gamot na itinuturok sa kaniyang mga ugat. Matagal bago 'ko tuluyang natanggap na wala na siya... wala na talaga siya.

B. Happy Experience

Parte na ng kamusmusan ang paglalaro kung kaya nang magkaroon ako ng bagong laruan na ang tawag ay baril-barilan napakasaya ko! Bigay ito ng aking mga kamag-anak na tuwang-tuwa sa aking pagka bibo. Sa tuwing magkakaroon ako ng bagong laruan napakasaya! Kakaibang galak ang dulot nito sa aking katauhan. Hindi lumilipas ang araw na hindi ako nakapaglaro lalo na tuwing bakasyon. Kay sarap balikan ng aking kabataan paano ay walang problema... napakagaan ng buhay sapagkat ikaw ay naglalaro pa lamang.


C.FALSE BELIEF


Noong ako ay bata pa madalas ‘kong marinig ang mga kasabihan tulad ng: huwag daw magsasaing ng walang tubig; may sabi-sabi rin na pag na bungal ka ‘yung mga ngipin mo ay ilagay mo sa bubong para raw yumaman ka;
kapag nahulog naman ang kutsara habang ikaw ay kumakain, ikaw ay magkakaroon ng bisitang babae; kapag tinidor ang nahulog, lalaki naman ang bisita; samantalang kung kutsarita, isang bata ang bibisita sa iyo; ang babaeng palipat-lipat ng upuan habang kumakain ay magkakaroon ng maraming manliligaw. Ito ang ilan sa mga kasabihang matanda na minsan ko ring pinaniwalaan noong ako ay bata pa dahil ang pagkaunawa ko nuon na ang lahat ng mga sinasabi nila ay totoo at tanda na rin nang pag respeto ko sa kanila. Nagbago na lamang ito ng mag-aral ako ng siyensa. Nalaman ko na ito pala ay superstitions, paniniwala o kasabihang matanda lamang at walang sapat na ebidensiyang pang agham at siyensa.

D.SUPERNATURAL PHENOMENON BELIEF

Taon-taon na lamang tuwing magtatapos ang buwan ng Oktubre at sasapit ang unang araw ng Nobyembre kabi kabila ang mga palabas sa telebisyon tungkol sa mga multo, naka puting babae (white lady), kapre, duwende, ingkanto, tiyanak, at manananggal. Isa na rin sa bumulag sa maling paniniwala ng mga tao ang midya dahil isinisiksik nila sa mangmang na isipan na mayroon ngang nabubuhay na mga hindi pangkaraniwang nilalang. Para sa akin isa lamang itong napakalaking kalokohan! Bunga lamang iyon ng malilikot nilang imahinasyon kung kaya ano-anong mga kababalaghan ang nabubuo nila sa kanilang mga isipan. Tinatakot lamang nila ang kanilang mga sarili. Kung ako sa kanila mag banat na lamang sila ng buto at magbagong buhay na kasya umisip ng walang kakwenta-kwentang mga bagay.

III.EARLY SCHOOL EXPERIENCE

PRE-SCHOOL

Bata pa ako halata naman diba? pre-school nga e! (biro lang) Ito na ang aking kwento, noon naaalala ko lagi akong nag-iisa, wala rin akong kaibigan dahil malakas akong mang-asar sa mga kaklase kong babae womenhater kasi! (wahaha joke lang pre ah!) Malakas rin ako mang-asar siyempre sa mga kaklse kong lalaki na kung minsan pa nga ay nagkakapikunan din dahil sa away-bata ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay nalilimutan na rin ito at naglalaro na muli. Nakalulungkot lang na karamihan sa aking buhay elementary ay hindi ko na matandaan.

GRAD –SCHOOL

Pero ang High-school life syempre hindi ko malilimuatn dahil dito nabuo ang mga pinakamasasayang sandali sa aking buhay. Simula nang ako ay mag first-year aminado akong hindi ako nag-aaral. Para sa’kin nakakaboring ang mga panahong iyon dahil walang kwenta ang mga teacher ko. Puro matatanda na at mahirap makipag-usap sa matatanda. Hindi ko maarok ang mga utak nila! Hindi ko rin alam kung paano ako nakapasa!?! Masaya naman kahit paano, at nag-aaral aralan na rin ako kahit kaunti pero medyo nakakaboring parin. Buti na lang naging ma aksiyon ang buhay ‘ko ng ako ay maging Varsity ng baseball. Lumakas ang pangangatawan ‘ko dahil sa puspusang training tuwing pagkatapos ng klase. Marami din akong naging kaibigan na mga kamote rin katulad ko J. Para maka-alpas sa second year, nag-aral ako ng mabuti. Ang favorite subject ko ay sa tuwing sasapit ang recess at lunch break. Sarap kasi kumain, pag nagkikita na kaming ng mga kaibigan kong kamote ay nag ka-cutting classes kami at naglalaro ng counter strike (Wtfudge!) Napagtanto ‘ko na kay sarap palang maglaro ng computer kaya naimpluwensyahan ako sa larong ito at sumapit na nga nag third year na rin ako! Sabi-sabi ng mga kaklse kong mga feeling matalino mahirap daw ang yugtong ito (mga G! pala sila eh) na para sa kin ay normal lang naman dahil kasama sa pag-aaral iyon. Hindi naman ako tumagal nang dalawang taon sa third year (one take lang ‘to boy!) gaya ng ibang kong ka-tropang mga kamote at parang wala pa ring nangyari… nakapasa pa rin ako sa third year! Narating ‘ko na rin ang huling kalbaryo ng aking high school life at fourth year na ako. Magkakaibigan pa rin kami ng aking mga barkada ngunit nagkahiwa-hiwalay na kami ng section. Isa ako sa mga officer ng CAT na pasaway. Hindi ako nagpapagupit ng buhok at dalawang beses sa isang buwan lang ako umaattend nito. Dahil sa hindi ako nag-aaral hindi ko dama ang paghihirap na nararanasan ng ibang mga nag fe-feeling na iskolar. Relax lang ako at walang pangambang nakapag tapos ng sekundarya. Hay sarap! Saya sa pakiramdam!



Dahil sa dalawang taon akong nahinto sa pag-aaral pagkatapos ko sa high school ay medyo kabado ako sa unang araw ‘ko bilang college student. Tahimik lang ako at malimit makipag-usap sa iba ‘kong kaklase. Naaalala ‘ko nuon si Lester David ang una ‘kong nakausap sa classroom at nang mga sumunod na araw ay nakasundo ‘ko na rin ang iba dahil sa iisa naming hilig- Ang Dota! Tuwing pagkatapos ng klase lagi na kaming nagkakayayaan at dun na nagsimula na dumami ang circle of friends ‘ko sa STI. Dalawang taon na naging parte na ng buhay ‘ko ang PC nuong ako ay nahinto dahil bantay ako ng PC shop kaya gamay ‘ko na kung ano ang mga iilang pinapagawa sa school. Hindi pa gaanong mahirap ang mga subjects ‘ko nuong first year pero nuong second year bahagyang naging seryoso ang lahat dahil medyo humirap na ang mga ito. Third year, seryoso na talaga dahil meron na akong Thesis 0. Kinakailangan ng kritikal at masusing pag-iisip ng Thesis Proposal at lalapatan na ng sistema sa Thesis 1. Nawa maging maayos ang daloy ng aking fourth year at makapagtapos ako ng matiwasay.


IV.LOVE AND RELATIONSHIP

"Kung hindi mo man mahigitan ang ibinibigay kong pag-ibig sa'yo, pantayan mo man lang"

Noong ako ay nasa sekundarya pa lamang nagkaroon ako ng mga kasintahan na aking nasaktan dahil aminado akong hindi ko pa sineseryoso ang mga ganoong bagay ng panahong iyon. Nagbago ang lahat ng makilala ko siya sa College. Ang mga katagang nasa itaas ay nagmarka ng lubusan sa aking isipan. Sinabi niya iyon sa akin nuong panahon na ramdam niya na hindi ‘ko pa siya mahal. Hanggang sa napansin ko na lang na unti –unti nagsimula na akong mag-alala sa kaniya, damdamin na habang tumatagal ay lalo pang lumalalim. Hanggang sa nakompirma ‘ko na mismo sa aking sarili na minamahal ‘ko na siya at hindi ‘ko na hahayaan na mawala pa siya sa akin.

V.PRESENT SITUATION


Kapag ako ay nakaipon na bunga ng aking pinagtrabahuhan gusto ko naman ako ang maging amo sa sarili 'kong negosyo. Pangarap ko na magkaroon ng sarili 'ko balang araw, negosyo na may kinalaman sa aking pinag-aralan at tiyak na aking mapauunlad. Isa sa mga naiisip 'ko ang Internet Cafe dahil may karanasan at sapat na ang akong kaalaman sa pagtatayo nito. Kung lalagay na ako sa tahimik gusto 'ko na sapat na ang aking kapasidad upang bumuhay ng pamilya. Kapag nagtagumpay na ang aking negosyo at may sapat ng ipon gusto ko rin na magpakasal sa aking pinakamamahal nang matagal na ring mga taon (simula pa noong 1st year College) at bumuo ng masayang pamilya. Dalawang anak lang, babae at lalaki pwede na sa akin iyon para hindi magastos. Dahil sa panahon ngayon kailangan mo ng isabuhay ang pagiging responsableng magulang, upang sa paglaki nila ay maibigay ‘ko ang pinaka mabuti para sa kanila.

VI.LEARNING / REALIZATION

Matapos kong gawin ang aking psycho blog, na-realize ko na upang makilala mo ang isang tao hindi lang sa pagpapakilala o kaya sa pakikipag kwentuhan, kundi sa istorya rin ng kaniyang buhay simula ng pagkabuo niya sa mundong ito hanggang sa natuto siyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa at makipaglaban sa buhay. Dapat din pala maging bukas ka sa pakikinig sa buhay ng ibang mga tao hindi lang sa kakilala mo kundi sa mga makakilala mo pa lang. Masaya rin palang ikuwento ang buhay mo hindi lang sa eskwela kundi sa loob din ng bahay sa iyong pamilya. Enjoy din pala gumawa ng psycho blog dahil magbabalik sa isipan mo ang iyong mga nakaraan, kung anu-ano ang mga libangan mo at mga nangyari sa buhay mo. Nakakatuwa lang na minsan parang may umuulit lang na pangyayari sa buhay mo na hindi mo namamalayan na nangyari na pala noon.


Ito ang Instructor ko sa STI Quezon Avenue

Ronald Villaranda(IDOL!)

Subject: General Psychology

Date Time:6:00pm – 7:30PM T/F

We'll Miss You Sir!!! Idol kita ehh !!